WHO WE ARE

Ano ang harm reduction?

Ang harm reduction ay tumutukoy sa mga patakaran, programa, at kasanayan na naglalayong bawasan ang mga negatibong epekto sa kalusugan, sa lipunan at sa legal na aspeto kaugnay sa paggamit, patakaran, at batas ukol sa droga.   

Nakaangkla sa hustisya at karapatang pantao ang harm reduction at nakatututok sa positibong pagbabago ng tao na walang paghuhusga, pamimilit, diskriminasyon o pangagailangan na huminto sa paggamit upang matulungan sila.

Mga halimbawa

drug consumption rooms

(tinatawag ring “overdose prevention centres” or “supervised consumption sites”)

Mga programang namamahagi ng needle at syringe

overdose prevention at reversal

pagpapabahay

Mga impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng droga

Pagususuri ng mga laman ng droga

opioid agonist therapy para sa drug dependence

Serbisyong legal at paralegal

98

na bansa ay sumosoporta sa harm reduction

120 +

drug consumption rooms sa buong mundo

87

na bansa may mga programang namamahagi ng needle at syringe

Mga layunin

  • Pananatiling buhay at hikayatin ang positibong pagbabago sa buhay ng mga tao

    Ang pinaka-kagyat na prayoridad ay mapanatiling buhay at maalusog ang mga taong gumagamit ng droga. Ang mga diskarte na ginagamit sa harm reduction ay nagbibigay-daan sa halip na namimilit. Ang layunin nito ay para lalong palakasing ang positibong pagbabago sa buhay ng tao, gaano man kaliit ang pagbabagong iyon. Sa pagkilala na maliit lamang na porsyento ng mga taong gumagamit ng droga ang nakakaranas ng problema kaugnay sa paggamit, maari ring makatulong ang harm reduction sa mga tao upang mapakinabangan ang anumang benepisyo na pwedeng makuha nila sa paggamit ng mga droga.

  • Bawasan ang mga pinsala ng mga batas at patakaran tungkol sa droga

    Nilalayon ng harm reduction na ipabuti lalo ang mga batas, patakaran at mga kasanayan tungkol sa droga upang hindi ito nakapipinsala sa kalusugan at kapakanan ng mga taong gumagamit ng droga at ang kanilang mga komunidad. Maraming mga patakaran sa iba’t ibang lugar sa mundo ang lumilikha at nagpapalala sa potensyal na panganib at pinsala kaugnay sa paggamit ng droga. Kabilang dito ang: kriminalisasyon ng mga taong gumagamit ng droga; mapang-abuso at tiwaling mga gawi sa pagpupulis; ang pagtanggi ligtas-buhay na pangangalagang medikal at mga serbisyong harm reduction; mga paghihigpit sa pagkakaroon ng mga kagamitang pang-inject; sapilitang pagsusuri sa ihi at pagdampot at kulong sa pangalan ng rehabilitasyon; at, diskriminasyon batay sa paggamit ng droga, klase, lahi, at kasarian. Hinahamon ng harm reduction ang mga internasyonal at pambansang batas, at mga patakarang nag-aambag sa mga pinsalang nauugnay sa droga.

  • Pag-alok ng alternatibong diskarte sa mga naglalayong pigilan o hintuin ang paggamit ng droga

    Access to high quality, evidence-based prevention, care and treatment programs, including approaches that involve cessation of drug use, are important for some people. Entry into treatment should be on the terms of the individual and must never be forced. Many people who use drugs do not need treatment, and those experiencing problems associated with drug use may be unwilling or unable to enter abstinence-only treatment for myriad reasons. While abstinence from drug use may be the goal for some people who use drugs, this is an individual choice and should not be imposed, or regarded as the only option. Mahalaga para sa ibang tao ang pagkakaroon ng access sa mataas na kalidad na mga programang pag-iwas, pangangalaga at paggamot na nakabatay sa ebidensya, kabilang dito ang mga diskarte na may kinalaman sa pagtigil sa paggamit ng droga. Dapat ayon sa mga tuntunin ng indibidwal ang pagpasok sa paggamot at hindi dapat ipilit. Maraming tao na gumagamit ng droga ang hindi nangangailangan ng paggamot, at ang mga nakakaranas ng mga problemang nauugnay sa paggamit ng droga ay maaaring ayaw o ayaw pumasok sa “abstinence-only” na paggamot dahil sa napakaraming dahilan. Bagama't ang pag-iwas sa paggamit ng droga ay maaaring layunin para sa ilang taong gumagamit ng droga, ito ay isang indibidwal na tunguhin at hindi dapat ipilit, o ituring bilang ang tanging opsyon.

Mga Prinsipyo

  • Pagsunod sa ebidensiya

    Nakaangkla ang mga patakaran at kasanayang harm reduction sa malakas na ebidensiyang nagpapakita na ang mga interbensyong ito ay praktikal, madaling gawin, epektibo, ligtas at matipid sa nagkakaibang lipunan, kultura, at ekonomiya. Karamihan sa mga interbensyong harm reduction ay abot-kaya at madaling ipatupad, at lahat ng ito ay may malakas na positibong epekto sa kalusugan ng indibidwal at komunidad.

  • Pagrerespeto ng karapatan nga mga taong gumagamit ng droga

    Ang mga pangunahing prinsipyopag kung saan nakabatay ang harm reduction ay naglalayong protektahan ang mga karapatang pantao at mapabuti ang kalusugan ng publiko. Ang pagtrato sa mga taong gumagamit ng droga, kasama ang kanilang mga pamilya at komunidad, nang may habag at dignidad ay mahalaga sa harm reduction. Ang paggamit ng droga ay hindi nangangahulugan na nanawawala ang kanilang mga karapatang pantao; ang bawat isa ay nananatiling may karapatang mabuhay, kasama ang pinakamataas na maaabot na pamantayan ng kalusugan, mga serbisyong panlipunan, privacy, kalayaan mula sa di-makatwirang pagkulong at kalayaan mula sa malupit, di-makatao at nakakahiyang pagtrato, at iba pa.

  • Pagsunod sa hustisiyang panlipunan at pakikipagtulungan sa mga alyansa ng mga taong gumagamit ng droga

    Nakaugat ang harm reduction sa pagtugon sa mga isyu ng diskriminasyon at pagtiyak na walang sinuman ang ibinukod sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan na maaaring kailanganin nila dahil sa kanilang paggamit ng droga, kanilang lahi, kasarian, pagkakakilanlang pangkasarian, oryentasyong sekswal, piniling trabaho, o ang kanilang katayuan sa ekonomiya. Dapat ma-access ng mga tao ang mga serbisyo nang hindi kailangang lampasan ang mga hindi kinakailangang hadlang, kabilang na ang madidiskriminang regulasyon. Dagdag pa ang makabuluhang paglahok ng mga taong gumagamit ng droga sa pagdidisenyo, pagpapatupad at pagsusuri ng mga programa at patakaran na nagsisilbi sa kanila ay sentro sa harm reduction.

  • Pag-iwas sa stigma

    Tinatanggap nang buo ng mga nagsasagawa ng mga programa sa harm reduction ang mga taong gumagamit ng droga kung ano man sila at nakatuon sa pakikipagkita sa kanila "kung nasaan man sila" sa kanilang buhay nang walang paghuhusga. Ang mga terminolohiya at wika ay dapat palaging maghatid ng paggalang at iwasan ang mga termino o paghahati sa pagitan ng "mabuti" at "masamang" gamot. Ang pananakit na pananalita ay nagpapanatili ng mga nakakapinsalang stereotype, at lumilikha ng mga hadlang sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan.

Oo. Epektibo ang harm reduction sa pagpapanatiling buhay ang mga tao, pagpigil sa transmission ng HIV at viral hepatitis, pagrereverse ng overdose, pagpapabuti ng kalidad ng buhay, at pagkonekta sa mga tao sa mas malawak na serbisyong pangkalusugan.

Cost-effective ang harm reduction, batay sa ebidensya at napatunayang may positibong epekto sa kalusugan ng indibidwal at komunidad.

Mayroon nang mga patakarang at kasanayang harm reduction ang halos isang daang bansa. May mga mahuhusay na halimbawa ng mga serbisyo sa pagbabawas ng pinsala sa bawat rehiyon sa buong mundo, na iniayon sa mga lokal na pangangailangan at konteksto.

read more

Oo. Cost-effective  at napapakita na makatipid ng pera ang harm reduction.

Ang mga programa ng needle at syringe ay isang halimbawa ng isang napaka-epektibong serbisyo sa harm reduction. Ang mga programang ito na nagliligtas-buhay ay nagbibigay ng mga sterile syringe na pumipigil sa pagpapadala ng mga sakit. Ang pag-iwas sa sakit ay nakakatipid sa pondo ng gobyerno. Ang mga programa ng needle ​​at syringe ay isa sa mga pinaka-epektibong interbensyon sa pampublikong kalusugan na umiiral.

Sumasaklaw ang harm reduction sa lahat ng mga diskarteng di-mapanghusgan na sinamahan ng mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan.

Kasama dito ang: drug consumption rooms (tinatawag ring overdose prevention centres o supervised consumption sites) kung saan pwede magkonsumo ng droga na may supervision; mga inisyatibang pamamahay at pantrabaho na di namimilit na huminto muna bago makabenepisyo; pagsusuri ng droga kung saan maaring suriin ng mga tao anf iligal na droga para sa mga adulterant; overdose prevention at reversal; suportant psychosocial; and mga impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng droga.

Hindi. indi nagtataguyod o naghihikayat ang harm reduction na gumamit ng droga subalit tumutulong ito upang gumawa ng mas mabuting desisyon ang mga tao. Kinikilala ng harm reduction na palaging may gagamit ng droga, at ilang tao na maaaring ayaw o hindi makahinto sa paggamit ng droga. Nag-aalok ang harm reduction  ng mga patakaran, programa at kasanayan na naglalayong bawasan ang mga negatibong epekto sa kalusugan, panlipunan at legal na nauugnay sa paggamit ng droga pati na rin ang mga batas at patakaran sa droga.

Para ang harm reduction sa kung sinumang gustong bawasan ang mga panganib na nauugnay sa paggamit ng droga, pati na rin ang mga batas at patakaran sa droga

Napapakita ng ebidensiya na ang mga serbisyong harm reduction na iniayon sa mga natatanging pangangailangan ng isang tao, ay pinakamabisa sa pagbabawas ng mga panganib na nauugnay sa paggamit ng droga, lalo na kapag pinagsama sa iba pang mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan.

May katibayan na ang mga serbisyong harm reduction tulad ng opioid agonist therapy ay maaaring mabawasan ang krimen, kabilang ang marahas na krimen. Mayroon ding katibayan na ang mga serbisyong harm reduction tulad ng mga drug consumption rooms  (tinatawag ring overdose prevention centres o supervised consumption sites)  ay hindi nagpapataas ng krimen sa isang lugar. 

Don't miss our events
and publications

Subscribe to our newsletter